Nilinaw Binibining Pilipinas Grand International 2019 Samantha Ashley Lo na wala itong anumang isyu laban sa Thai beauty queen na namintas sa pagiging mataba raw ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray.
Pahayag ito ni Sam kasabay ng bagong pahayag hinggil sa pag-alma sa body-shaming lalo’t mabilis lang aniya bumawi ang karma.
Nabatid na makakalaban ng Cebuana beauty ang naturang kontrobersyal na pambato ng Thailand sa October 25 Miss Grand International coronation sa Venezuela.
“I know everyone’s worried about what she’s (Coco) gonna do with me.. I would introduce myself, and maybe give her a slice of pizza. I don’t know… I feel sensitive as well as I’m excited to meet all these new sisters that I know I can bond right in,” ani Lo sa Philstar.
Si Samantha ay hinirang na Binibining Pilipinas Grand International 2019 sa noong June 9 habang si Coco Arayha Suparurk naman ay kinoronahang Miss Grand Thailand 2019 sa Bangkok nito lamang July 13.