-- Advertisements --
Nakatakda nang ikasal ang beauty queen turned actress na si Maxine Medina sa long time non-showbiz boyfriend nito.
Ito’y matapos mag-propose na ng kasal ang diving instructor na si Timmy Llana, kasabay ng advance birthday celebration ni Medina sa Coron, Palawan.
Sa susunod na buwan, ipagdiriwang ng Binibining Pilipinas Universe 2016 ang kanyang 32nd birthday.
“Finally my forever,” caption ng bride to be sa larawan kung saan suot nito ang engagement ring.
Nabatid na apat na taon na ang relasyon ng dalawa bagama’t unang inamin sa publiko noon lamang 2019.
Si Medina ang “successor” ni Pia Wurtzbach bilang kinatawan ng bansa sa Miss Universe 2016 kung saan nagtapos ito sa Top 6.