Nilinaw ni Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina na “promise ring” pa lamang ang suot nitong singsing na ibinigay ng kanyang boyfriend.
Caption ito ni Medina sa larawan ng kanyang kamay kung saan suot na nito ang gold ring na mayroong initial ng kanyang pangalan.
Tila ba sagot na ito ng 30-year-old interior designer mula Quezon City para sa mga magtatanong kung siya ba ay engaged o kasal na sa diving instructor na si Timmy Llana.
Una nang inamin ng beauty queen turned actress na inakala nitong ordinaryong Christmas gift lamang ang natanggap mula sa kasintahan.
Kuwento ng beauty queen turned TV host, nag-speech pa ang nobyo kung saan nangako ito na aalagaan at mamahalin habambuhay bago isuot ang singsing sa kanyang daliri.
Si Medina ay Top 6 finish lamang sa Miss Universe, o bigong maibigay ang back to back win sunod kay Pia Wurtzbach noong 2015.
Nitong Hunyo lang nang kumpirmahin ng “binibini” beauty ang romantic relationship kay Llana na sinasabing kasabay ng kanilang first anniversary.