-- Advertisements --
Patungo na sa Albania si Anna Lakrini ang pambato ng bansa para sa Miss Globe pageant.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ang Binibining Pilipinas Globe 2023 ng mga larawan habang ito ay nasa Ninoy Aquino International Airport.
Sinabi nito na handang-handa na itong sumabak sa nasabing pageant.
Noong Mayo ng kinoronahan siya bilang Bb. Pilipinas Globe 2023.
Nakuha rin nito ang Best in Swimsuit award.
Sakaling magwagi ay siya ang magiging pangatlong Miss Globe ng bansa na kinoronahan na ang una ay si Ann Colis at sinundan ni Maureen Montagne.
Gaganapin ang Miss Globe 2023 coronation night sa Tirana, Albania sa Nobyembre 17.