-- Advertisements --
Masayang inanunsiyo ni Binibining Pilipinas Globe Chelsea Fernandez na ito ay napiling mag-represent ng Sultan Kudarat sa Miss Universe Philippines 2025.
Sa social media account nito ay labis siyang nagpapasalamat matapos na mabigyan muli ng tsansa na sumali sa pageant.
Ilan sa mga makakatunggali nito ay sina Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez at Miss Earth Air 2023 Yllana Aduana.
Si Fernandez ay runner-up sa Miss Philippines Earth 2019 bilang Miss Philippines Water at nagwagi siya sa Miss Bikini Philippines noong 2021.
Naging pambato na rin siya ng bansa sa Miss Globe 2022 pageant na ginanap sa Albania kung saan nakasali ito sa Top 15 semi-finalist.