Nasa bansang Albania na si Binibining Pilipinas Globe Maureen Montagne para sa The Miss Globe 2021.
Sa kanyang pagdating sa bansa ay suot nito ang isang Inaul na ayon sa dalaga ay likha ng mga kababaihan mula Maguindanao.
Hindi na bago ang 28-year-old sa paglaban sa international stage dahil una na itong sumabak bilang Miss Arizona USA 2015 at Miss Eco-Philippines 2018.
Sa naging exclusive interview ng Star FM Baguio sa beauty queen mula Batangas, i-eenjoy niya umano ang kanyang magiging experience bilang kandidata ng Pilipinas dahil ito na rin ang kanyang huling beses na makakasali sa isang pageant dahil sa age restrictions.
“Since I am 28. This is my last pageant. I’m just doing this full, 100% Maureen, so it’s gonna be very fun and light-hearted. I hope that you guys can continue cheering me on in Albania,” anya ng dalaga.
Samantala, si Montagne na nga ang pangalawang ipinadala ng Binibining Pilipinas organization ngayong taon para sa kanilang mga lalahukang international pageant, matapos na una nang lumipad patungong Egypt ang kanyang kapwa Binibini queen na si Cinderella Obenita para sa Miss Intercontinental ngayong October 29.
Magaganap ang The Miss Globe 2021 sa Albania sa November 6.