-- Advertisements --
Samantha Lo
Samantha Lo/ IG post

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang record sa kanilang DFA passport data base si Binibining Pilipinas Grand International na si Samantha Lo.

Kasunod ito ng pag-deport sa kaniya ng French authorities dahil sa paggamit ng pekeng passport.

Nakatakda sana lumahok sa pageant sa Venezuela ang tubong Cebu beauty queen subalit ng mag-stop over sa France ay natuklasan ng mga otoridad doon na peke ang kaniyang passport.

Lumabas na nakapangalan sa isang lalaki ang dala nitong passport.

Matapos na makabalik sa Pilipinas ay tanging pamilya lamang nito ang kinakausap.

Nakipagpulong na rin ito sa Bb. Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) kung saan nakatakda silang maglabas ng pahayag.