-- Advertisements --

Opisyal na umatras ang Binibining Pilipinas organization sa Miss Grand International at hindi na nila ire-renew ang kanilang prankisa.

Sa kanilang social media ay inanunsiyo nila ang nasabing hakbang.

BB Pilpinas
Bb. Pilipinas FB post

Pinasalamatan nila ang organizers ng Miss Grand International pageant at hangad nila ang tagumpay.

Umani naman ng suporta sa naging desisyon na ito ng Bb. Pilipinas organizations.

Magugunitang nabigong masungkit ni Roberta Tamondong ang pambato ng Miss Grand International pageant ngayong taon na nagtapos lamang sa Top 20.

Subalit matapos ang ilang araw ay itinalaga ito bilang fifth runner-up ng organization.