-- Advertisements --
BBM2

Aminado si Pangulong Bong Bong Marcos Jr. na mahirap na mailikas ang mga Pilipinong naiipit ngayon sa nangyayaring kaguluhan sa Sudan.

“Malaking problema natin sa (We have a big problem in) Sudan. We have about 300 people in Sudan. Unfortunately, none of the airports are functioning. They are still under fire. Also, we cannot ascertain a secure land route for them to leave,” ayon sa Pangulo.

Ngunit sa kasalukuyan raw ay gumagawa na ng solusyon ang bansa at inihahanda na ang mga assets upang matulungan ang mga Pilipino.

“It is a long road from Khartoum to Cairo which is where our embassy is, that is in charge also of Khartoum and Sudan. But we are already preparing the assets that might be involved. We are just waiting to get better information as to whether or not it will be safe to bring our evacuees out of Khartoum, perhaps into Cairo,” dagdag pa ni Pangulong Bong Bong.

Kung matatandaan, humingi ng tulong ang mga Pilipino doon sa Sudan dahil anila nagkakaubosan na ng supply ng pagkain sa nasabing lugar.

Samantala, prioridad naman raw ng DFA na makapagbigay ng pagkain ang ilang supplies sa mga Pilipinong humihingi ng tulong doon.

Nasa halos 86 na Pilipino ang nais lamang lumipat ng lugar at ang 49 naman ay gusto nang umuwi ng Pilipinas.

Siniguro naman ng DFA na sisimulan ang repatriation sa mga susunod na araw.