Inihayag ng Bases Conversion and Development Authority na plano nitong magtayo ng nasa 10,000 unit sa ilalim ng Pambansang Pabahay program ng gobyerno.
Ayon kay Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President and Chief Executive Officer Joshua Bingcang, ang nasabing pabahay ay itatayo sa Clark City.
Aniy, malapit nang tapusin ang isang deal sa Department of [Human Settlements and Urban Development] (DHSUD).
Kabilang rin ang kasunduan isang malaking local developer para itayo ang unang 10,000 units ng pabahay.
Ang 10,000 units sa ilalim ng 4PH Program ay tinitingnang itatayo sa isang 100-ektaryang lupain sa loob ng New Clark City na isang flagship development ng BCDA sa Bamban, Tarlac.
Idinagdag pa ni Bingcang na nakikipagtulungan sila sa Kongreso para gawin ang lupa para sa 4PH Program mula sa isang leasehold hanggang sa isang freehold arrangement.
Ito ay magbibigay-daan sa mga benepisyaryo ng 4PH na magmay-ari ng lupa sa halip na magkaroon lamang ng karapatang sakupin ang lupain sa loob ng ilang taon.