Target ngayon ng Bases Conversion and Development Authority na na triplehin ang annual lease sa property na inookupahan ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Sa isang panayam, inulit ni BCDA president at CEO Joshua Bingcang ang alok nito sa Manila International Airport Authority na bilhin ang 60-ektaryang property na may zonal value na P50 billion.
Aniya, ang isa pang pagpipilian ay ang pag-renew ng lease o upa para sa isa pang 25 taon na aabot sa P600 milyon kada taon.
Ito ay mas mataas ng P400 milyon mula sa dating P200M na upa kada taon sa nakaraang 25 years contract6 na natapos noong 2023.
Giit ni Bingcang , ang presyo noong 1997 ay iba na sa kasalukuyan.
Samantala, tiniyak naman ng opisyal na hindi ito magreresulta sa mas mataas na terminal fee dahil ang mga bayarin na ito ay kontrolado.