-- Advertisements --
Itinanggi ng Department of Budget and Management (DBM) ang pahayag ng Medical Action Group na tinanggal nila umano ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) coverage sa mahigit na 30 milyong Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Ayon sa DBM na wala silang kapangyarihan na bawasan ang membership ng PHILHEALTH.
Nakasaad din sa Republic Act 10606 in Sec 29 na pag-otorisa sa mga bayad sa pamamagitan ng General Appropriations Act.
Noong nakaraang 2022 ay mayroong 5.9 milyon claims ang mula sa mga indirect members.
Inirekomenda pa nila na ang PHILHEALTH coverage ng 21.1 milyon beneficaries.
Pinag-aaralan na rin ng DBM ang pagsampa ng kaukulang kaso laban sa grupo dahil sa maling mga paratang.