Tinatawanan na lamang ni Bea Alonzo ang paghihiwalay nila ng kapwa artistang si Gerald Anderson na nauwi sa kontrobersya.
Pahayag ito ng 32-year-old actress bago pa man lumabas ang “tell all” ni Boy Abunda kay Anderson ngunit ngayon lamang din isinapubliko.
Ayon kay Bea, 100% na siyang naka-move on sa naranasang “ghosting” o ‘yaong pag-iwan sa kanya ni Anderson sa ere.
“Kung hindi ka binigyan ng respect to end the relationship, that means na it’s good riddance,” ani Alonzo sa ginanap na Summit Media noong nakaraang buwan.
Nasundan pa ito ng kanyang bagong pahayag kasunod ng pag-amin ng 32-year-old actor na girlfriend na nito ang 23-year-old actress na si Julia Barretto.
Ito’y matapos ilarawan ni Anderson na naging “toxic” na ang kanilang relasyon kaya nauwi sa hiwalayan.
Makabuluhan ang caption nito sa kanyang latest picture habang nasa kanilang bukid sa Zambales- sa pagsasabing ang oras daw talaga ang “ULTIMATE TRUTH TELLER.”
Kung maaalala, kontrobersyal ang love life ni Anderson kasunod ng paghihiwalay nila ni Kim Chiu. Sunod kasi nitong naging karelasyon ang best friend ni Kim na si Maja Salvador, habang ikinagalit din ng fans ni Bea ang “ghosting” nito.
Nitong Enero naman nang aminin ni Julia na siya ay TAKEN na kung saan bagamat hindi tinukoy si Anderson, swak naman ang mga kasagutan nito gaya ng urban slang para sa salitang foreigner na “AFAM,” at “OLDER” guy daw ito.