Nakatakdang makipagkita ang actress na si Bea Alonszo at ang dating driver nito na naghain ng rekamo sa National Labor Relations Commission para magkaroon ng pag-uusap at pagsasaayos.
Ayon sa abogado ng actress na si Atty. Joey Garcia na itinakda sa araw ng Miyerkules ang nasabing pag-uusap ng actress at dating driver nito na si Efren Delos Reyes Jr.
Inireklamo kasi ni driver nito ang kawalan ng bayad sa nightshift, overtime pay, holiday pay, 13th month pay, illegal dismissal, maltreatment, harassment at ang bayad sa separation pay.
Dagdag pa ni Garcia na natanggap ng actress ang physical copy ng reklamo noong Hunyo 25.
Kinumpirma din ni Garcia na si Delos Reyes ay may relasyon sa “online basher” ng actress na unang kinasuhan dahil sa paninirang puri sa kaniya.