-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng actress na si Bea Alonzo na engaged na ito sa nobyong si Dominic Roque.

Sa kaniyang social media account ay ibinahagi nito ang larawan ng proposal ng nobyo.

Wala siyang ideya na isasagawa ang proposal dahil sa nagsasagawa lamang sila ng photo shoot sa La Casas.

Pagkalingon nito sa likod ay nakita ang nobyo na nakaluhod na at may hawak na singsing.

Unang nagkakilala ang dalawa noong 2016 at noong Abril 2021 ng kumpirmahin ang kanilang relasyon.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa kapwa artista at ilang mga kasamahan sa showbiz matapos ang paglabas ng balita.