Ibinunyag ni Bea Alonzo sa kanyang pinakabagong vlog na kamakailan lamang ay na-diagnose siyang may hypothyroidism, na nagiging dahilan ng kanyang pagtaba.
Sinabi niya ito bilang bahagi ng kanyang paliwanag kung bakit pansamantala siyang huminto sa paglalaro ng tennis.
Aniya, “Tennis is a good sport. Gusto rin namin ni Dom (Roque) to be able to play doubles in the future so kapag medyo hindi na ako busy, I will go back to playing tennis,”
Dagdag pa niya, “I also gained weight so nahihirapan din ako na tumakbo-takbo lalo na kapag lateral. Sumasakit din yung tuhod ko. Aside from having PCOS, I was recently diagnosed with hypothyroidism. So that’s the reason behind my gaining weight,”
Sa kabila ng kanyang kondisyon, sinabi ni Alonzo na nagsasagawa siya ng mga preemptive measures para harapin ito.
Sinisikap niya aniyang tugunan iyon ngayon sa pamamagitan ng pag-eehersisyo, sa pamamagitan ng pagdidiyeta at pag-inom ng mga gamot para dito.