Life goes on para kay “Bea” Alonzo sa gitna ng pinagdadaanan sa buhay pag-ibig na kanyang ibinahagi mismo sa social media account.
Ayon sa 31-year-old actress, labis ang kanyang pasasalamat sa hindi inakalang buhos ng pagmamahal sa kanya ngayon.
“Feeling ko pinalaki naman ako ng ABS-CBN na professional so I always have to show up regardless of whatever’s happening in my life,” saad ni Alonzo.
“I’m moving forward,” dagdag nito.
Una rito, bumungad nitong Lunes kasabay ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tila pahaging nito sa umano’y hiwalayan nila uli ng celebrity boyfriend na si Gerald Anderson
Sa kanyang Instagram post, makikita ang itim na larawan at makahulugang caption na nagsasabing: “You can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice… ENOUGH.”
Napansin din ng mga fans na binura na ng aktres ang mga larawan nila ni Anderson sa account.
Kaagad namang lumutang ang pangalan ng 22-year-old actress na si Julia Barretto sa eksena matapos may makakitang kasama nito ang 30-year-old actor sa birthday ng kaibigang si Rayver Cruz.
Una nang ipinagtanggol si Julia ng kanyang celebrity mom na si Marjorie Barretto hanggang sa bagong kontrobersya kung saan nagkasama raw sa parehong hotel sa Subic ang ang young actress at si Anderson.
Si Anderson naman ay idinaan ang sentimyento sa pamamagitan ng pag-“like” ng online post kung saan nakasaad na: “Let people judge you. Let them misunderstand you. Let them gossip about you. What they think of you isn’t your problem. Their opinions do not pay your bills.”
Kabilang pa sa mga naging kasintahan ni Anderson ay ang mag-best friend na sina Kim Chiu at Maja Salvador.
Habang break na rin si Julia at young actor na si Joshua Garcia.