Aminado si Bea Alonzo na mayroon siyang pag-aalinlangan sa kanyang edad kaya naging mailap sa tuwing pag-uusapan ang lovelife.
Pahayag ito ni Bea kasunod ng pagkumpirma sa unang pagkakataon na nasa dating stage sila ng kapwa artistang si Dominic Roque.
Ayon kay Alonzo, inakala kasi nito na sa edad niyang 33 ay napasok na nito ang married life kaya parang nahihiya na nakikipag-date pa rin.
Gayunman, wala pa aniyang boyfriend-girlfriend level pero inilarawan nito si Dominic bilang good guy.
“Wala pa kami,” saad nito kay G3 San Diego para sa Mega Entertainement.
Dagdag nito, “Hindi ko alam kung it will materialize into something else or like it would lead to something else but then, what if I fail again? I don’t want to keep failing in front of you guys, it’s embarrassing.”
Bukas naman daw si Bea kung tuluyang ma-inlove sa 30-anyos na pamangkin ng dating aktres na si Beth Tamayo, pero sa ngayon ay may kasama nang pag-iingat sa pagtitiwala muli.
Kung maaalala, galing siya sa kontrobersyal na breakup kay Gerald Anderson dahil sa isyu ng tinatawag na ghosting o ‘yaong naiwan siya sa ere at gaslighting o ang puntong namamanipula na siya.
Kamakailan lang ay umamin na si Anderson na kasintahan na niya ang young actress na si Julia Barretto.