-- Advertisements --
PInatawan ng multa ang women’s beach handball team ng Norway dahil sa pagsusuot ng shorts imbes na bikini.
Aabot sa 1,500 euros o katumbas ng P90,000 ang ipinataw na multa ng European Beach Handball Championships.
Nangyari ito sa bronze medal match ng Norway laban sa Spain sa laro na ginanap sa Varna, Bulgaria.
Ayon sa Handball Federation ng Norway na magbabayad na lamang sila kapag namultahan na ang kanilang mga manlalaro.
Nakasaad sa EHF na hindi athlete uniform regulation ang suot ng mga manlalaro ng Norway.
Bago kasi ang championships ay nagpaalam na ang Norway na kung maaari ay magsuot sila ng shorts subalit binalaan sila ng EHF na labag ito sa kanilang panuntunan.