-- Advertisements --
KALIBO, Aklan – Kasabay sa pagbuhos ng mga bakasyunista sa Boracay, nagpapatuloy ang monitoring ng Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group (BIARMG) sa mga hotels reservation sa isla.
Kinumpirma ni BIARMG general manager Natividad Bernandino na isang beach house ang ipinasara dahil sa umano’y pagtanggap ng bookings gamit ang application na hindi accredited ng Department of Tourism (DoT).
Agad naman umanong sumunod ang naturang establisimiyento sa utos at kinansela ang ilang mga reservations.
Maliban dito, sinabi pa ni Bernandino na mahigpit nilang ipinapatupad ang Project Boracay Enhanced Security Strategy and Tactics (BESST) laban sa mga pasaway na naglalayong gawing discipline zone tourist destination ang Boracay.