-- Advertisements --

Nakatakdang buksan na ng Indonesia ang mga iba’t-ibang resort sa isla ng Bali para sa mga piling bansa.

Ayon kasi kay maritime and investment minister Luhut Panjaitan na magbubukas na ang Ngurah Rai International Airport sa Bali at patutuluyin ang mga biyahero mula sa mga bansang South Korea, China, Japan, United Arab Emirates, Dubai at New Zealand.

Magsisimula silang tatanggap ng mga dayuhan simula Oktubre 14.

Lahat aniya ng mga international travellers ay dapat mayroong proof ng hotel booked at mag-quarantine ng hanggang walong araw.