-- Advertisements --

Nakumpleto na ang konstruksiyon ng beaching ramp sa Pag asa Island sa Palawan na isa mga tinaguriang disputed islands sa West Phil Sea.

Pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang isinagawang inagurasyon.

DND2
Beaching ramp inauguration

Ayon kay Lorenzana ang pagkakaroon ng beaching ramp sa Pag asa Island ay kauna unahang major upgrade para sa isa sa mga isla na bahagi ng Kalayaan Group of Islands sa West Philippine sea.

Ngayong tapos na ang beaching ramp, asahan na mas maraming contruction materials na ang madadala sa lugar para sa patuloy na development sa isla.

Kasama ni Lorenzana na tumungo sa Isla para pangunahan ang inagurasyon ay sina AFP Chief of Staff General Felimon Santos Jr, Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Lt. Gen. Giovanni Bacordo, Airforce Chief Lt Gen Allen Paredes, Army Chief Lt Gen Gilbert Gapay at AFP Western Command Commander Lt Gen Erickson Gloria.

Ang beaching ramp ay isa lamang sa apat na proyekto ng AFP sa Isla na may pondong mahigit P268 milyong.