-- Advertisements --

Walang pinagsisisihan si 2021 Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez sa anim na taong pagiging magkasintahan nila ng disk jockey at kapwa babaeng si Kate Jagdon.

Unang pagkakataon na pagsasalita ito ng 26-year-old Cebuana beauty, tatlong buwan mula nang makumpirma ang kanilang breakup at piniling manahimik.

Sadyang hindi na raw matiis ngayon ang patuloy na mga batikos laban sa kanya sa puntong dinadamay na rin ang kanyang pamilya.

Mahaba at detalyado ang pahayag ni Bea sa pamamagitan ng IG Stories kung saan kanyang nabanggit na may problema na aniya sila bago pa man ang coronation ng Miss Universe nitong Disyembre.

Ayon kay Beatrice, isang nagngangalang “Adam” ang isang taon na palang ini-entertain ni Kate gayong hindi pa sila hiwalay, gayundin na nakipagtalik na rin ito sa ibang tao, at nagpa-cute na rin sa ibang babae sa puntong may mga gabi na hindi na umuuwi sa kanya.

Binalaan man daw ng mga kaibigan, pinili niyang isalba ang mahabang pinagsamahan ngunit mas magpapahirap pala ang kanilang long distance relationship kung saan tila napabayaan nito si Kate.

Beatrice prelims

“I focused too much on trying to grow without realizing that I’ve been taking her for granted. All along she had been the victim of this break up because she chose to,” bahagi ng kanyang rebelasyon.

Sa ngayon daw ay move on na sila ng ex-girlfriend dahil deserve nila ng tunay na kaligayahan.

Nabatid na hindi binanggit ni Kate kung ano ang naging dahilan ng love story nila ni Bea na unang umingay noong 2020 matapos ianunsyo ng huli sa Binibining Cebu na mayroon nga siyang karelasyong babae.

Kung maaalala, Top 5 finish ang nakamit ni Gomez sa 2021 Miss Universe na ginanap sa Israel.

Kilala siya sa pagiging bukas nito bilang miyembro ng “LGBT” community, “pure blooded” Pinay, at isa ring atleta.

Samantala, wala pa namang “say” ang beauty queen/athlete kaugnay sa kasama nito sa picture nitong Valentine’s Day na para sa iba ay kanya na raw bagong boyfriend.