-- Advertisements --

Hindi umano maipapangako ni Beatrice Luigi Gomez na masusungkit ang pang-limang Miss Universe crown para sa Pilipinas.

Ayon sa 26-year-old Cebuana beauty, ito’y dahil magagaling at magaganda rin ang mga makakatunggali niyang kandidata mula sa mahigit 70 bansa.

Sa kanyang naging paghahanda, “7 out of 10” aniya ang kanyang pagtantya sa tiyansa niya na manalo.

Kung maaalala, isa sa standout performance si Gomez sa idinaos na preliminary competition nitong Sabado ng madaling araw.

Mula ito sa introduction segment hanggang sa evening gown.

Kanyang inirampa ang Bakunawa national costume nina Axel Que at Manny Halasan, kulay pink na one-piece swimsuit, at kulay pula na “asymmetrically-cut” ni Francis Libiran.

Ayon sa Miss Universe Philippines Organization Director for Communications na si Voltaire Tayag, ramdam nila na magniningning si Beatrice sa mga irarampa nitong swimsuit at evening gown.

Bukas, December 13 sa Pilipinas, gaganapin ang 70th Miss Universe crown sa Eilat, Israel.