Tanging panalangin ang kinapitan ni Beauty Gonzalez nitong nakalipas na linggo kasabay ng pagbunyag na nakipaglaban sa Coronavirus Disease (COVID) ang kanyang art curator-businessman husband.
Ayon sa 29-year-old Spanish-Filipina actress na tubong Dumaguete, hindi siya handa sa biglang pagtigil ng kanyang mundo lalo’t hindi nito nabantayan man lang sa ospital ang asawang si Norman Crisologo.
Kabilang sa naging COVID symptoms ng kanyang mister ay hirap sa paghinga dahil na rin sa pneumonia.
Gayunman, pinili niyang magpakatatag para sa kanilang 5 year old daughter na tila ramdam din ang walang katiyakang paggaling ng kanyang daddy.
Sa kabila ng takot, natuto raw si Beauty na mas paglaanan ng oras ang anak at target sa bawat pagdaan ng araw na pagtuunan ng pansin ang magandang pagsasama bilang pamilya.
Narito ang bahagi ng “Easter Story” ni Beauty:
“The hardest thing for a wife to do is to just sit and wait for a sick husband to come home, not being able to be there and comfort him was against every grain in my body. But it was something every one of us in this situation has had to do.
I spoke to God many times.
I made promises to myself.
I held my child often.
I made sure that life from this day forward, no matter what happens will be filled with love and light, that all this suffering would not be for nothing.”
Sa ngayon ay isa nang COVID survivor ang nasabing negosyante at home sweet home na sa kanyang mag-ina.