-- Advertisements --
MOCHA GUMABAO

Sumabak na rin sa politika ang beauty queen na si Michelle Gumabao matapos na maghain ng certificate of candidacy kasama ang nominee na si Mocha Uson para sa Mothers For Change (MOCHA) party list.

Kung maalala si Gumabao ay dating player sa volleyball at sa ambassador ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Huling naglaro si Gumabao sa De La Salle University na sumali sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference noong Agosto sa Ilocos Norte.

Siya ay anak ng dating naging congressman ng Quezon City at dating aktor din na si Dennis Roldan.

Si Mocha naman ay isang opisyal sa OWWA.