-- Advertisements --

Nakatakdang ikasal sa Agosto 25 si Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel at 2nd District Maguindanao Representative Esmael “Toto” Mangundadatu.

Toto
wedding invitation

Kinumpirma ito sa social media post ng National Commission on Muslim Fiiipinos, Bureau of External Relations.

Makikita sa post ang larawan ng dalawa at ang wedding invitaion.

Base sa wedding invitation, gaganapin ang kasal sa Al Nor Hotel & Convention Center sa Cotabato City.

Magiging limitado lamang ang nasabing bisita dahil sa ipinapatupad na COVID-19 protocol.

Si Akeel na dating guro ay lumaki sa Lebak, Sultan Kudarat at noong 2018 ay sumali ito sa Miss Asia Pacific International pageant kung saan nagwagi ito.