Ibinahagi ni Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel sa publiko ang mga larawan nila ng kaniyang asawa na si Maguindanao second district Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu matapos silang ikinasal kahapon.
Sa kaniyang post sa social media, sinabi ng beauty queen na hindi madali ang kaniyang pinagdaanan para sa kaniyang minamahal.
Nilabanan niya ang mga hirap hanggang sa pinagkaisa sila ng kapalaran.
Sabik na umano siyang makasama ang asawa sa bagong chapter at adventure ng kaniyang buhay.
Ikinasal sina Mangudadatu at Akeel sa pamamagitan ng Islam ceremony sa Alnor Convention Center sa Cotabato City.
“The road that led me to you was not easy. No matter how hard I tried to fight it, no matter how much others wanted to fight it, fate wanted us to be together. When I realized and then accepted that, love and happiness filled my life, and I realized that YOU, who has been there for the past 6 years, was all that I was missing. I am excited to take on this new adventure, this new phase in my life, because I will be going on it with you, Husband,” ani Akeel sa kanyang post.
Kung maalala, naging kontrobersyal ang relasyon ng dalawa isang taon ang nakalipas matapos ang asawa ng pulitiko na si Mylene Maligaya-Mangudadatu ay inakusahan ang dating beauty queen na “mistress”.
Sa panahong iyon, sinabi ni Akeel na mas gugustuhin niyang harapin ang anumang akusasyon sa korte.
Sabay hamon sa hindi pinangalanan na babae na ipakita ang lahat ng kaniyang ebidensya na siya ay mistress kung mayroon man.