BAGUIO CITY – Wagi ang mga pambato ng Baguio City, Tacloban City at Lapu-Lapu City sa inaugural coronation ng Hiyas ng Pilipinas 2022.
Kinoronahan bilang Hiyas ng Pilipinas Tourism World si Dean Dianne Balogal mula Baguio, Hiyas ng Pilipinas Elite World si Azriel Atira Coloma mula Tacloban, at Hiyas ng Pilipinas Tourism Queen International si Phoebe Godinez mula Lapu-Lapu City.
Lalaban ang tatlong newly-crowned beauty queens sa mga international pageants sa Egypt, United Kingdom at Thailand.
Sa exclusive interview ng Star FM Baguio kay Binibining Pilipinas Grand International 2018 at National Director ng Hiyas ng Pilipinas na si Eva Patalinjug, inamin nitong nais nilang mahanap ang “complete package” sa mga kandidata.
Ipinagmalaki rin nito na maliban sa women empowerment na kanilang adbokasiya ay layon din nilang magbigay boses sa mga kababaihan na nakakaranas ng “conflict with the law.”
“We want to really master the advocacy that we have, to empower those women in conflict with the law,” ani Patalinjug. “What we want is the complete package. We really want yung masarap katrabaho, because we will be working with her for one year. We don’t just want a pretty face, but we also want [someone] who’s beautiful inside.”
Samantala, tinanghal naman na first runner-up si Evangeline Fuentes ng Pangasinan at second runner-up si Ma. Guizzelle De Leon ng Quezon Province.
Ginanap ang Hiyas ng Pilipinas 2022 coronation sa Cebu City.
Ito ang first-ever Cebu-based national pageant.