-- Advertisements --

Excited na umano sa pagbabalik nito sa Pilipinas ang dating professional English footballer na si David Beckham.

Ayon kay Beckham, makikibahagi ito sa isang wellness and protection summit sa Taguig City sa darating na Oktubre 13.

Una nang dumalaw si Beckham sa Maynila noong Disyembre 2011, kung saan kinalaban niya at ng koponan nitong LA Galaxy ang Philippine Azkals sa isang friendly.

Noong 2014 nang magtungo si Beckham ang Taloban upang bisitahin ang mga biktima ng Super Typhoon Yolanda bilang goodwill ambassador para sa UN Children’s Fund.

Nasilayan si Beckham sa tatlong FIFA World Cup at tinapos nito ang kanyang international career na may 17 goals sa 115 appearances para sa England.