BUTUAN CITY – Lumagpas na sa bed capacity ang bilang ng mga na-admit na Coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients sa mga public hospitals ng Agusan del Sur dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nadapuan ng nakamamatay na coronavirus.
Sa datos ng Provincial Health Office, nalamang punuan na ang lahat ng mga covid facilities ng lalawigan lalo na ang pitong mga public hospitals sa kung kaya’t ang mga pasyente ay sa labas na lamang inilalagay.
Sa Democrito O. Plaza Memorial Hospital lamang sa bayan ng San Francisco na mayroon lamang 62 bed capacity, ngayon ay may naka-admit na 85 mga pasyente at ganito rin ang senaryo sa iba pang mga ospital.
Kahit may mgaduda na ngunit wala pa ring nakumpirmang Delta variant cases sa probinsya dahil sa biglaang pagtaas ng mga kaso ng CoVID-19.