Napuno na ang bed capacity ng St. Luke’s Medical Center at National Kidney and Transplant Institiute.
Ito ay matapos ang patuloy na paglobo ng mga pasyente na dinapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang naitakbo sa pagamutan.
Dahil dito ay naglabas ng pahayag ang dalawang institusyon na lumipat na lamang sa ibang pagamutan ang mga pasyente.
Ayon sa St. Lukes Medical Center, na ang kanilang intensive care unit sa Quezon City at Bonifacio Global City.
Maging ang kanilang mga kama sa emergency rooms ay napuno na rin kahit na dinoble ang kapasidad nito.
Nanawagan naman ng ayuda si NKTI executive director Rose Marie Rosete-Liquete, dahil sa dagsa pa rin ang mga dialysis patients mula sa ibang lugar at napuno na rin ang kanilang emergency room.
Ikinakabahala nito ang mga chronic renal patients dahil sila ay itinataboy sa ibang mga pasilidad.
Magugunitang umabot na sa 174 na mga nurses, neprhologist, internist at medical technologist ang nagpositibo sa coronavirus sa NKTI.