-- Advertisements --

Bumaba sa 13% ang mga okupadong kama para sa mga COVID-19 patients sa lungsod ng Maynila habang nasa 65 na lamang ang nananatiling okupado sa anim na district hospital ng lungsod.

Mahigit sa kalahating porsyento ang ibinaba kumpara sa 23% bed occupancy rate sa datos noong November 7 na may 116 ang occupied beds.

Kabilang sa district hospital na ito ang Ospital ng Maynila, Ospital ng Sampaloc, Jose Abad Santos General Hospital, Gat Andres, Ospital ng Tondo, at Sta. Ana Hospital.

Sa COVID-19 field hospital sa Quirino Grandstand, nasa 12 na lamang ang okupadong kama o katumbas ng 3% ng 344 available beds, 25% ang ibinaba sa occupancy rate kumpara noong nakalipas na buwan.

Zero percent na rin ang occupancy rate sa 14 na COVID-19 quarantine facilities sa Manila.