-- Advertisements --

kiangan3

Lagpas na sa 100% ang bed occupancy rate sa mga isolation, quarantine at treatment facilities ng PNP sa loob ng Camp Crame.


Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander PLt.Gen. Joselito Vera Cruz, ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang bagong kaso ng Covid-19 dulot Omicron variant.

” Actually more on additional isolation facilities ang medyo problema ngayon because of the daily volume of new cases,” mensahe ni Lt.Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.

Ngayong araw, nasa 450 bagong kaso ang naitala dahilan para sumampa sa 3,262 ang total active cases ng PNP.

Ang Camp Crame ay mayruong siyam na isolation, quarantine at treatment facilities kung saan nasa 560 ang bed capacity nito.

Sinabi ni Vera Cruz, batay sa datos ng PNP Health Service lumagpas na sa bed capacity ang quarantine and treatment facilities ng Camp Crame.

Sa ngayon nasa 573 o nasa 102.32% ang naka-admit sa kanilang facilities kung saan 468 dito PNP personnel, 74 Non Uniformed Personnel at 17 sibilyan.

Paliwanag ng Heneral,” May negative siya but accomodated pa naman thru room sharing ng magka pamilya at magkakilala.”

Dahil sa lagpas na sa capacity, hindi na ma-accomodate ang ilan sa mga personnel na positibo sa virus.

Dahilan para magbukas na rin sila ng mga dagdag na isolation, quarantine facilities sa mga Police Regional Offices lalo na sa NCR Plus.

Ayon kay Vera Cruz na nakikipag-ugnayan din sila sa mga local government units para ma-accomodate ang kanilang mga personnel sa kanilang facilities.

” We are also in close contact with the different LGUs as to the availability of isolation facilities of our personnel,” wika ng Heneral.

Ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ay mayruong anim na quarantine and isolation facilities na nay 751 bed capacity habang 115 sa ibat ibang regional police offices (PROs) kung saan nasa 1,438 ang bed capacity.

Inihayag din ni Vera Cruz na hinihintay nila ang formal guidelines ng Department of Health (DOH) hinggil sa pagpapaikli ng araw ng isolation period para duon sa mga fully vaccinated na mula 10 araw ay gagawin na lamang na pitong araw.

” This will be a big help to decongest our isolation facilities plus the issued guidelines on home isolation,” wika ni Lt.Gen. Vera Cruz.