-- Advertisements --
Patuloy ang panawagan ng operator ng Beep Cards sa mga mananakay na ingatan ito dahil sa kakulangan ng nasabing suplay.
Ayon kay Jonathan Juan Moreno, president and CEO ng AF Payments Inc. na dahil sa pandaigdigan kakulangan ng microchip ay damay na rin ang Stored Value Cards (SVC).
Gumagawa na rin sila ng paraan para mabawasan ang bilang ng mga inactive na ng mga SVC.
Base sa kanilang datus na mayroong hanggang tatlong milyon cards ang regular na nagagamit sa mula sa 9 milyon na inilabas nilang cards noon pang 2014.
Hinikayat din nila ang mga mananakay na kung maaari ay ipahiram ito sa kanilang mga kaanak para maiwasan ang kakulangan ng nasabing SVC cards.