-- Advertisements --
NorthPort
PBA photo

Inaprubahan na ng PBA Commissioner’s Office ang trade deal sa pagitan ng San Miguel Beermen at NorthPort.

Nakatakdang ipalit ng Beermen si Christian Stanhardinger para kay Mo Tautuaa ng NorthPort.

Hindi naman nilinaw ng Beermen ang dahilan ng paglipat nila kay Standhardinger subalit marami ang lumabas na balitang na hindi na masaya ito a koponan.

Taong 2015 ng maging number 1 pick sa Talk N Text si Tautuaa at sa kalaunan ay naitrade kina Terrence Romeo at Yousef Taha.

Mayroong average ang 30-anyos na Fil-Tongan na 11.3 points, 8.8 rebounds at 2.3 assist per game.

Firt round pick naman noong 2017 Draft ng Beermen si Standhardinger.

Nakatakdang maglaro sa Beermen si Tautuaa sa laban nila kontra Columbian sa Linggo habang maglalaro na sa NorthPort si Standhardinger laban sa Beermen sa October 23.