-- Advertisements --

Nabigo ang San Miguel Beermen sa kamay ng Suwon KTO Sonic Boom 87-81 sa East Asia Super League 2024-2025 Season sa laro na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Hawak pa ng Beermen ang kalamangan sa halftime 43-39 sa halftime subalit pagdating ng third quarter ay umarangkada ang Suwon.

Bumida sa panalo si Suwon import Rayshaun Hammonds na nagtala ng 39 points habang mayroong17 points, siyam na assists si Heo Hoon.

Nasayang naman ang nagawang 34 points, pitong rebounds, apat na assists at dalawang stealsganun din ang 19 points at siyam na rebounds ni June Mar Fajardo.