Nakabangon mula sa mabagal na panimula ang San Miguel upang itumba ang Rain or Shine, 111-105, at maangkin ang Game 1 ng semifinals ng 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum nitong Sabado, Hulyo 27.
Kinarga nina import Chris McCullough at Christian Standhardinger ang Beermen sa huling quarter upang makawala sa 13-point deficit at madagit ang bentahe sa best-of-five showdown.
Nagtapos na may 32 points, 14 rebounds, limang assists, at dalawang steals, habang tumipa naman si Standhardinger ng 20 points at walong rebounds.
“In the semifinals, I always expect something will happen in terms of the preparation of our opponent and it happened. They were able to neutralize June Mar (Fajardo) at the post, but I’m lucky I still have a lot of big man especially Christian, who played really well on defense,” wika ni San Miguel coach Leo Austria.
Naging mainit ang Elasto Painters sa umpisa nang itala an 20-7 sa kalagitnaan ng first quarter, na nagpatuloy hanggang halftime 52-46.
Hindi na nila napangalagaan ang kanilang abanse sa pagsisimula ng second half kung saan gumawa ng three-point play si Standhardinger, upang umabante ang Beermen sa 74-71.
Naagaw muli ng Elasto Painters ang bentahe, 81-76, ngunit nagpakawala ng jumper si McCollough na sinundan ni Terrence Romeo mula sa downtown para sa 83-81 lead.
Hindi na lumingon pa ang Beermen sa pag-uumpisa ng final canto nang ipasok ni Standhardinger ang putback para sa 90-83 abante.
Sumandal kay Carl Montgomery ang Elasto Painters na humakot ng 20 points at 17 rebounds.
Narito ang mga iskor:
San Miguel 111 – McCullough 32, Standhardinger 20, Ross 19, Cabagnot 12, Romeo 10, Fajardo 9, Santos 9, Tubid 0, Pessumal 0, Rosser 0.
Rain or Shine 105 – Montgomery 20, Norwood 16, Torres 13, Mocon 12, Nambatac 12, Belga 7, Ponferada 6, Rosales 5, Yap 5, Daquioag 5, Borboran 4, Alejandro 0.
Quarters: 19-27, 46-52, 85-83, 111-105.