-- Advertisements --
Hawak na ng San Miguel Beermen ang 2-0 na kalamangan sa pagitan nila ni Rain or Shine 117-105 sa best-of-five semifinals ng PBA Commissioner’s Cup.
Pinangunahan ni Chris Ross ang panalo ng Beermen na nagtala ng 34 points at mayroong 22 points si Chris McCollough.
Nag-ambag naman ng 17 points si Alex Cabagnot at 15 points naman si Christian Standhardinger.
Hawak pa ng Rain or Shine ang kalamangan ng first half na umabot pa sa 29 points ito.
Nagpursige ang Beermen sa second half at nahabol nila ang kalamangan.
Nabigla at hindi naman makapaniwala si Beermen coach Leo Austria sa panalo ng kaniyang koponan.
Nasayang naman ang nagawang 24 points at 15 rebounds ni Carl Montgomery at 15 points kay Rey Nambatac ng Rin or Shine.