-- Advertisements --
Pinahiya ng San Miguel Beerment ang Barangay Ginebra 104-93 sa nagpapatuloy na PBA Philippine cup na ginanap sa Araneta Coliseum.
Sa simula pa lamang ng laro ay agad na umarangkada ang Beermen 22-6 at umabot pa sa 21 points ito bago ang halftime.
Mayroon ng tatlong panalo at isang talo ang Beermen habang ang Ginebra ay mayroong isang panalo at isang talo.
Bumida sa panalo ng Beermen si CJ Perez na nagtala ng 23 points, anim na rebounds at limang assists habang mayroong 18 points at 12 rebounds si June Mar Fajardo at 19 points naman ang naitala ni Don Trollano.
Hindi naman umubra ang ginawang 24 points ni Troy Rosario habang mayroong tig-16 points sina Stephen Holt at Jamie Malonzo.