-- Advertisements --
Humanga ang fans ng mga San Miguel Beermen sa ipinakitang laro ng kanilang import na si Shabazz Muhammad.
Nakapagtala ito ng 57 points si Shabazz sa paghaharap ng Beermen kontra Meralco nitong Sabado.
Nakuha ng Beermen ang panalo 113-110 sa nagpapatuloy na 46th Governor’s Cup na ginanap sa Smart-Araneta Coliseum.
Itinuturing na bayani si Shabazz sa laro dahil sa huling segundo ay nakuha pa nito ang bola sa bigong dalawang free throw nito.
Dahil sa panalo ay nasa pangatlong puwesto na ang Beermen na mayroong pitong panalo at apat na talo.