-- Advertisements --

May bagong puwersa ngayon ang San Miguel Beermen para sa pagbubukas ng PBA Commissioner’s Cup.

Ito ay matapos na idagdag nila sa kanilang puwersa si Juami Tiongson at Andres Cahilig mula sa Terrafirma.

Kapalit naman ng nasabing manlalaro sina Terrence Romeo at Vic Manuel.

Ang nasabing trade deal ay inaprubahan ng PBA board.

Itinuturing naman ni Romeo ang nasabing trade na saddest moment kung saan pinasalamatan niya ang SMB sa paglalaro niya doon at pinasalamatan din ang Terrafirma dahil sa pagtanggap sa kaniya.

Ang 33-anyos na si Tiongson ay mayroong kakayahan sa outside shooting na maaaring makatulungan ni Marcio Lassiter sa Beermen.

Una rito ay nakuha na rin ng Barangay Ginebra si Troy Rosario na free-agent at dating naglaro sa TNT at Blackwater.