-- Advertisements --

Isang panalo na lamang ang kailangan ng San Miguel Beermen para makapasok sa Finals ng PBA Philippine Cup.

Ito ay matapos na talunin ang Rain or Shine Elasto Painters 117-107 sa laro na ginanap sa Dasmarinas Arena sa Cavite.

Nanguna sa panalo ng Beermen si CJ Perez na nagtala ng 23 points, 14 rebounds at limang assists habang mayroong 20 points, 10 rebounds at dalawang assists si Don Trollano.

Hawak ng ROS ang kalamangan 99-97 sa natitirang 6:05 na laro ng habulin ito ng Beermen hanggang tuluyang makuha ang panalo.

Nasayang ang 19 points na nagawa ni Beau Belga habang mayroong tig-14 points sina Rence Nocum, Jhonard Clarito at Keith Datu.

Hawak na ngayon ang Beermen ang 3-0 na bentahe kung saan isang panalo na lamang ang kailangan para makapasok sila sa finals.