-- Advertisements --

Nakahinga ng maluwag ang San Miguel Beermen matapos ang muntikang masungkit ng NorthPort ang kanilang panalo 91-88 sa nagpapatuloy na 2021 PBA Governors’ Cup.

Ito ang unang panalo ng Beermen sa nasabing conference matapos ang mabigo sila sa dalawang unang laro na ginanap sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nanguna sa panalo ng Beermen ang kanilang import na si Brandon Brown na nagtala ng 24 points habang mayroong tig 15 points sina June Mar Fajardo at CJ Perez.

Nag-ambag naman ng 12 points si Marcio Lassiter at 10 points kay Vic Manuel.

Umabot pa kasi sa 27 points ang kalamangan ng Beermen sa third quarter subalit nahabol ito ng Batang Pier pagpasok ng last quarter.

Ayon kay Beermen head coach Leo Austria na masuwerte sila sa panalo kahit na lubos silang natakot ng maipababa ng NorthPort ang kalamangan.