-- Advertisements --
Chris McCollough
Chris McCullough/ IG photo

Nagpalit ng import ang San Miguel Beermen matapos ang mahinang pagsisimula ng PBA Commissioner’s Cup.

Sinabi ni SMB Team manager Gee Abanilla , ipapalit nila kay Charles Rhodes si dating NBA player Chris McCullough.

Si McCullough ay first-round pick ng Brooklyn Nets noong 2015 NBA rookie draft kahit na ito ay nagpapagaling mula sa ACL injury na natamo sa kaniyang freshman season sa kolehiyo.

Mula sa paglalaro ng dalawang season sa Nets ay lumipat ito sa Washington Wizards.

Naglaro din ang 24-anyos na New York native sa G-League, Chinese Basketball Association at Puerto Rican pro league.

Sa kasalukuyan kasi ay mayroon ng dalawang panalo at limang talo ang Beermen mula sa pagiging fifth straight Philippine Cup Championship.