-- Advertisements --

Naging sulit ang ginawang paghabol ng San Miguel Beermen para tuluyang talunin ang Meralco Bolts 110-98 sa kanilang paghaharap sa PBA 50th annversary.

Nanguna sa panalo ng Beermen si June Mar Fajardo na nagtala ng 28 points, 10 rebounds at apat na assists para maitala ang dalawang panalo at wala pang talo sa PBA Philippine Cup.

Mayroon namang 29 points, limang rebounds, apat na assists at dalawang steals ang nagawa ni CJ Perez.

Nag-ambag naman ng 11 points, tatlong rebounds at isang steal si Jeron Teng habang mayroong siyam na puntos, siyam na rebounds, isang steal, isang assist at isang block si Rodney Brondial.

Sinabi ni SMB head coach Leo Austria na tiwala ito sa kaniyang manlalaro kahit na hawak ng Bolts ang malaking kalamangan.

Nasayang naman ang nagawang 27 points, pitong assists at apat na rebounds ni Chris Newsome para sa Bolts.