-- Advertisements --

Nakuha ng San Miguel Beermen ang kampeonato ng PBA Commssioner’s Cup.

Ito ay matapos na habulin at tuluyang talunin ang Magnolia Hotshots 104-102 sa Game 6 ng best-of-seven finals sa laro na ginanap sa Smart-Araneta.

Nagtulungan si CJ Perez at Chris Ross para mahabol ang Magnolia at burahin ang 14 points na kalamangan 67-54 sa third quarter ng laro.

Nakalamang lamang ang Beermen 100-99 ng maipasok ni Ross ang kaniyang three points sa natitirang 1:23 minuto ng huling minuto.

Nagtuloy pa ang lamang nila ng maipasok ni Perez ang kaniyang three points sa 48.7 segundo at mailayo ang kalamangan ng gap sa apat na puntos.

Tinapos ng Beermen ang finals 4-2 na unang kampeonato ng kanilang coach Jorge Gallent.

Ito na ang pang-29 PBA title ng Beermen habang ang Magnolia ay patuloy ang paghabol ng kampeonato na huling nakatikim sila ay noong 2018 Governors’ Cup.