-- Advertisements --
Beermen
Beermen/ PBA photo

Naitabla ng San Miguel Beermen sa 2-2 ang best of seven PBA Philippine Cup finals nila ng Magnolia Hotshots 114-98.

Pinangunahan ni June Mar Fajardo ang panalo na nagtala ng 31 points at 14 rebounds.

Nag-ambag naman ng 18 points si Terrence Romeo habang mayroong 15 points si Chris Ross.

Humanga naman SMB coach Leo Austria sa kaniyang mga manlalaro dahil napanatili nila ang kanilang lakas at shooting.

Tiniyak naman ng Magnolia na magkakaroon sila ng malaking adjustment sa game 5.