-- Advertisements --

Naitabla ng San Miguel Beermen sa 2-2 ang best of seven semifinals nila ng Barangay Ginebra.

Hindi nakaporma ang Gins sa matinding depensa ng Beermen 131-121 ng 2024 PBA Governors Cup na ginanap sa Araneta Coliseum.

Bumida sa panalo ng Beermen si Most Valuable Player June Mar Fajardo na mayroong 29 points, 16 rebounds at tatlong assists habang ang import na si EJ Anosike ay mayroogn 27 points.

Nagdagdag naman ng 20 points si CJ Perez, tig-15 points kina Marcio Lassiter at Don Trollano.

Pinuri naman ni Beermen coach Jorge Gallent ang kaniyang manlalaro dahil tumugon ang mga ito sa kaniyang hamon noong sila ay nag-ensayo na dapat ay maging malakas sila sa opensa at depensa at kanilang naisakatuparan nga ito.

Nasayan naman ang nagawang 49 points ni Justin Brownlee para sa Barangay Ginebra.