-- Advertisements --
San Miguel Beermen
San Miguel Beermen/ PBA image

Tinambakan ng San Miguel Beermen ang Phoenix Pulse 128-108 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Hindi pa rin nagpaawat ang import ng Beermen na si Chris McCollough dahil sa nagtala ito ng 37 points at 13 rebounds para madala sa apat na panalo at limang talo ang Beermen at maitala ang pangalawang sunod na panalo.

Nag-ambag naman ang 22 points si June Mar Fajardo habang mayroong 16 points si Alex Cabagnot.

Umaasa naman naman si Beermen coach Leo Austria na mapanatili nila ang panalo matapos na maitala ang back-to-back win.

Hindi gaano naman nagamit ang import ng Phoenix na si Richard Howell dahil sa injury na nagtala lamang ito ng 15 points at 14 rebounds habang mayroong tig 14 points sina Matthew Wright at Rey Guevarra.